Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria, ipinagdiwang ng mga PagbilaoWIN

Sama-sama at nagkakaisang ipinagdiwang ng mga mamamayan ng Pagbilao ang Kapistahan sa karangalan ni Santa Catalina ng Alejandria V.M., Mahal na Patrona ng Bayan ng Pagbilao, Nobyembre 16-25, 2017.

 

Tahanang Papag at Bilao 2017 | Nobyembre 16-24, 2017

Opisyal na nagsimula ang pagdiriwang ng Pagbilao Town Fiesta 2017 noong Nobyembre 16 sa pagbubukas ng Tahanang Papag at Bilao 2017. Ang mga tahanan sa Zamora, Pornobi at Gen. Luna Streets sa Brgy. Sta. Catalina ay dinisenyuhan ng agricultural materials at makukulay na ilaw. Ngayong taon, tatlumpu’t siyam (39) na mga bahay ang nagpaligsahan para sa titulo bilang natatanging Tahanang Papag at Bilao.

Pinasinayaan ni Punong Bayan Shierre Ann Portes-Palicpic ang pagbubukas ng Tahanang Papag at Bilao 2017. Sina G. Jess Hermoso, Tourism Officer ng Bayan ng Agdangan, Quezon; G. Hector Audine, advertising consultant mula sa Lungsod ng Sta. Rosa, Laguna; at G. Noelito Cabrera, Jr., Tourism Officer ng Bayan ng Dolores, Quezon ang nagsilbing mga hurado na lumibot sa mga naggagandahang tahanan noong Nobyembre 16, 18 at 20. Ang mga lumahok na tahanan ay hinusgahan base sa tatlong pamantayan: Kabuuang Gayak at Kaugnayan sa Tema (50%), Materyales (30%), at Pangkalahatang Dating (20%).

Ang mga nagwaging Tahanang Papag at Bilao ay inanunsyo at pinarangalan noong Nobyembre 24. Ang Tahanang Papag at Bilao ng Pamilya Catalla ang nakasungkit ng unang pwesto kalakip ang cash prize na P30,000. Wagi bilang ikalawa ang Tahanang Papag at Bilao ng Pamilya Marino na nagkamit ng cash prize na P25,000. Ang Pamilya Reyes-Maling naman ang nag-uwi ng ikatlong pwesto at P20,000 cash prize.

 

Paligsahan ng Kulturang Pagbilaowin | Nobyembre 17, 2017

Nagtagisan sa pagsayaw sa saliw ng himno ng “Papag at Bilao” ang mga mag-aaral mula sa sampung paaralang elementarya sa isinagawang Paligsahan ng Kulturang Pagbilaowin, Nobyembre 17 sa Pagbilao Covered Court. Sa kanilang presentasyon, ipinakita ng mga kabataang lumahok ang kultura at sining ng Bayan ng Pagbilao.

Wagi ang mga mag-aaral ng Pagbilao East Elementary School na nag-uwi ng tropeo at P15,000 bilang premyo. Pumangalawa ang mga mag-aaral ng Pagbilao Central Elementary School na nag-uwi ng tropeo at premyong P10,000. Nasungkit naman ng mga mag-aaral ng Lord’s Angel Learning School, Inc. ang pangatlong pwesto, tropeo at premyong P5,000.

Makatatanggap naman ng consolation prize na P3,000 ang mga mag-aaral mula sa Parang-Pinagbayanan ES, Malicboy East ES, CVE Colleges, Inc., Palsabangon ES, Polo North ES, Polo South ES, at Binahaan Integrated School.

 

Araw ng Kalalakihan with MOVE | Nobyembre 19, 2017

Puno ng saya at musika ang pagdiriwang ng Araw ng Kalalakihan 2017, Nobyembre 19, kung saan nagtipun-tipon ang mga miyembro ng Men Opposed to Violence Against Women and Children Everywhere (MOVE) sa pamumuno ni MOVE Quezon at MOVE Pagbilao President, Municipal Administrator Ian Palicpic. Nakisaya rin sa programa si Punong Bayan Shierre Ann Portes-Palicpic.

Sinimulan ng mga kalalakihang PagbilaoWIN na bumubuo sa MOVE ang pagdiriwang ng Araw ng Kalalakihan 2017 sa isang Banal na Misa sa pamumuno ni Rev. Fr. Ferdinand Maaño, Lingkod-Pari ng Parokya ni Santa Catalina ng Alejandria. Matapos ang Banal na Misa, pumarada sa kabayanan ang mga #MakabagongAndres ng Pagbilao – mga kasapi ng MOVE.

Sa panggabing programa, nagpamalas at nagtagisan ng talento ang mga kasapi ng MOVE. May mga sumayaw, kumanta, at tumugtog ng instrumento. Kaalinsabay ng programa, opisyal na inilunsad ang bagong tema ng samahan na “Makabagong Andres”. Sumasalamin ang bagong tema sa katatagan at pagiging responsableng ama ng mga kasapi ng MOVE, gayundin sa kanilang katapangan upang ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at kabataan.

Ang Araw ng Kalalakihan ay taunang isinasagawa ng Pamahalaang Bayan ng Pagbilao sa pangunguna nina Punong Bayan Palicpic at Mun. Admin. Palicpic upang kilalanin ang mga kalalakihang PagbilaoWIN na tunay na mga #MakabagongAndres.

 

Araw ng Kababaihan with KALIPI | Nobyembre 20, 2017

Naging masaya at matagumpay ang pagdiriwang ng Araw ng Kababaihan 2017 sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Pagbilao at sa pamamahala ng Municipal Social Welfare and Development Office, Nobyembre 20. Pinuno ng mga miyembro ng Kapisanan ng Liping Pilipina (KALIPI) ng tawanan ang Municipal Covered Court sa mga isinagawang paligsahan. Nakiisa sa masayang programa si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, na nagbigay ng mensahe sa mga kapwa niya kababaihang PagbilaoWIN.

Ang pagdiriwang ng Araw ng Kababaihan sa Bayan ng Pagbilao ay taunang isinasagawa bilang pagkilala sa mga kababaihang PagbilaoWIN at pagbibigay-pugay sa namayapang kauna-unahang babaeng punong bayan na si Former Mayor Trinidad “Trining” Alvarez.

 

Mr. & Ms. Pagbilao 2017 Pre-Pageant and Talent Competition | Nobyembre 21, 2017
Mr. & Ms. Pagbilao 2017: The Coronation | Nobyembre 22, 2017
See full article here: http://pagbilao.gov.ph/lgu-holds-first-mr-ms-pagbilao-2017/#sthash.MiSBe2Va.dpbs

 

Drums & Lyre Band Exhibition | Nobyembre 23, 2017

Muling ipinamalas ng #PagbilaoWIN drums and lyre bands ang kanilang galing sa pagtugtog at pagsayaw sa naganap na Drums and Lyre Band Exhibition, Nobyembre 23 sa St. Catherine of Alexandria Parish Grounds.

Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Pagbilao, Municipal Tourism Office at si Punong Bayan Shierre Ann Portes-Palicpic sa mga sumusunod na paaralang lumahok sa Drums and Lyre Band Exhibition at nagbahagi ng kanilang talento: Malicboy East ES, Talipan NHS, Polo South ES, Talipan ES, Pagbilao Central ES, Parang-Pinagbayanan ES, Iba. Palsabangon ES, Silangang Malicboy NHS, Pagbilao East ES at CVE Colleges, Inc.

 

Talentadong Pagbilaowin 2017 | Nobyembre 23, 2017

Ipinamalas ng labimpitong (17) kalahok sa Talentadong Pagbilaowin 2017 ang galing at talento ng mga mamamayan ng Pagbilao sa iba’t-ibang larangan ng pagtatanghal, Nobyembre 23 sa Pagbilao Municipal Covered Court.

Umuwing kampeon ang MK Fire Duo na nagpamangha sa mga hurado at manonood dahil sa kanilang fire dancing act. Nakabibilib na singing skills ang ipinamalas ni Ohmar Pabellosa na nagkamit ng ikalawang puwesto. Nasungkit naman ng mahusay na dancing group na Fierze Monsterz ang ikatlong puwesto.

 

Lighting of Christmas Display and Launching of “PagbilaoWIN Ako!” | Nobyembre 24, 2017

Napuno ng makukulay na ilaw ang Pamahalaang Bayan at ang Pagbilao Park sa ginanap na Lighting of Christmas Display, gabi ng Nobyembre 24. Nakamamangha rin ang inihandog ng Pamahalaang Bayan na fireworks display kung saan makukulay at nagsasayawang mga ilaw ang tanging tumanglaw sa madilim na kalangitan.

Sa pinakahihintay ring programa, opisyal na inilunsad ang awiting “PagbilaoWIN Ako!” na komposisyon ni G. Danielle John Galang. Ang nasabing awitin ay patuloy na umaani ng mga positibong komento mula sa mga mamamayan ng Pagbilao at ibang karatig-bayan dahil sa nakaiindak nitong melodiya at makabayang tema.

 

Ang mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria ay inihandog ng Pamahalaang Bayan ng Pagbilao sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office at sa pakikipagtulungan sa Parokya ni Sta. Catalina ng Alejandria. Ang opisyal na petsa ng Kapistahan ay Nobyembre 25.

 

Contact Us

Pagbilao Municipal Hall
Rizal St., Brgy. Sta. Catalina,
Pagbilao, Quezon

Telephone No.: (042) 797-0937
Email: quick@pagbilao.gov.ph [click here]

Philippine National Police
Tel. No.: (042) 797-2854
Bureau of Fire Protection
Tel No.: (042) 797-0932
Health Office
Tel No.: (042) 797-3092

Department:

Enter the word below

captcha

LATEST NEWS

LGU Pagbilao awarded DepEd Quezon’s Gawad Kaagapay 2017

Tuesday, December 12, 2017 @ 9:03

The Local Government Unit of Pagbilao under the supervision of Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic has once again been awarded the…

Read More

97 finish short courses under LGU Pagbilao-sponsored TESDA-Based Livelihood Skills Training Program

Friday, December 8, 2017 @ 3:20

Ninety-seven (97) individuals graduated from the TESDA-Based Livelihood Skills Training Program of the Local Government Unit of Pagbilao led by…

Read More

SHARE THIS
Copyright © 2014-2017 Municipality of Pagbilao, Quezon, Philippines. All Rights Reserved.