PAMAMAHAGI NG SCHOOL UNIFORM SA KANLURANG MALICBOY ELEMENTARY SCHOOL

Mayor Shierre Ann Palicpic, namamahagi ng School Uniforms Sa 11,000 estudyante ng Iba’t-ibang Pampublikong Elementaryang Eskwelahan ng Pagbilao.

Ipamamahagi ni Mayor Shierre Ann Palicpic ang 11,000 set ng school uniform sa iba’t-ibang Pampublikong Elementaryang Eskwelahan sa Pagbilao bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga ito hinggil sa naturang kagamitan.
Ang naturang pamamahagi ay isa lamang sa mga programa at proyektong isinasakatuparan ng liderato ng lokal na pamahalaan upang matugunan ang bawat pangangailangan ng kabataang Pagbilawin lalo’t higit sa sector ng edukasyon.
Personal namang ipinagkaloob punong bayan ang isang set ng school uniform sa bawat estudyante ng Bigo at Kanlurang Malicboy Elementary School kamakailan lamang.
Tinatayang umabot sa 173 ang  nabigyan ng uniporme pamula kinder hanggang Grade VI sa Bigo Elementary School habang 166  naman ang mula sa Kanlurang Malicboy Elementary School ang bilang ng mga mag-aaral na tumanggap ng munting regalong handog ni Mayor Palicpic.
Ang mga nabanggit na eskwelahan ang siyang una at pangalawang pinagkalooban ng naturang uniporme at tinitiyak ng punong bayan na isusunod na ang iba pang mga pampublikong elementaryang paaralan sa mga susunod na araw.
Sa naging pananalita ni Mayor Palicpic, kaniyang inaasahan na higit pang gaganahan pumasok ang mga mag-aaral  araw-araw dahil sa panibagong set ng school uniform na ito na kanilang magagamit at mapakikibangang lubos.
Layon din nito na mabawasan ang gastusin ng mga magulang at hindi na nila isipin pa kung saan kukuha ng pambili ng unipormeng gagamitin ng kanilang mga anak para sa graduation at muling pagbubukas ng eskwelahan sa buwan ng Hunyo.
Samantala, lubos namang pinasalamatan ni Rosario Almodiel, ang Supervisor ng District II ang punong bayan sa pagkakaroon ng ganitong uri ng programa para sa bawat kabataang Pagbilawin at kaniyang hangad na patuloy na mabigyan ng karampatang benepisyo ang mga ito.
Maituturing na mapalad at maswerte ang bawat batang tumanggap ng unipormeng ito sapagkat hindi lahat ay nabibigyan ng panibagong uniporme.
Nagbigay paalala din ang punong bayan sa bawat estudyante na higit nilang paghusayin ang kanilang pag-aaral, maging mabait at masunurin sa kanilang mga guro upang magkaroon ng oportunidad na maging iskolar at benepisyaryo ng municipal education subsidy to k-12 students na kung saan nagbibigay ng subsidiya ang lokal na pamahalaan ng munisipyo sa mga kwalipikadong benepisyaryo nito. #PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

 

PAMAMAHAGI NG SCHOOL UNIFORM SA KANLURANG MALICBOY ELEMENTARY SCHOOL

Picture 1 of 1

Contact Us

Pagbilao Municipal Hall
Rizal St., Brgy. Sta. Catalina,
Pagbilao, Quezon

Telephone No.: (042) 797-0937
Email: quick@pagbilao.gov.ph [click here]

Philippine National Police
Tel. No.: (042) 797-2854
Bureau of Fire Protection
Tel No.: (042) 797-0932
Health Office
Tel No.: (042) 797-3092

Department:

Enter the word below

captcha

LATEST NEWS

MEAP distributes assistance cheques to scholars

Thursday, June 7, 2018 @ 11:33

To fulfill its objective to realize the importance of education for those who need it, the Municipality of Pagbilao distributed…

Read More

PAGBILAO SCHOOLS WELCOME SY 2018-2019

Tuesday, June 5, 2018 @ 10:34

Government-run schools in the Municipality of Pagbilao welcomed School Year 2018-2019, June 4, 2018. Accordingly, Executive Assistant Carlo Magno Ayaton,…

Read More

SHARE THIS
Copyright © 2014-2018 Municipality of Pagbilao, Quezon, Philippines. All Rights Reserved.