The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

"Lusog Busog Supplementary Feeding Program" | Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) | Pre-Natal Check-Up

October 20, 2022

News

October 20, 2022 | Pinangunahan ni Mayor Ate Gigi Portes ang paglulunsad ng "Lusog Busog Supplementary Feeding Program" isang bagong proyekto katuwang ang Rotary Club of Pagbilao Central na ginanap sa Covered Court ng Barangay Pinagbayanan. Layunin nito na matulungan  ang mga bata na may kakulangan sa timbang sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat at wastong nutrisyon. Namigay din ng mga bitamina at libreng deworming sa mga bata.

Pagkatapos ng nasabing programa, tumungo si Mayor Ate Gigi sa Municipal Covered Court at nagbigay ng mensahe sa mahigit apat na daang Pagbilaowins na tumanggap ng tulong pinasyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Nakipagpulong din ang Punong Bayan sa mga buntis ng Barangay Parang at ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng mga programang para sa mga nagdadalang-tao gaya ng Pre-Natal Check-Up, pamimigay ng mga bitamina, laboratory examination, family planning at iba pang programang pangkababaihan.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Narito ang iba pang larawan: https://bit.ly/3VMuIO3