The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

"SA PAG-IWAS SA SUNOG, HINDI KA NAG-IISA"

March 01, 2021

News

"Sa Pag-iwas sa SUNOG, Hindi Ka Nag-iisa"

Ang Pamahalaang Bayan ng Pagbilao sa pangunguna ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP) ay nakikiisa sa paggunita ng Fire Prevention Month 2021 ngayong buwan ng Marso.

Nitong umaga ng March 1, 2021, aktibong nakiisa ang BFP-Pagbilao sa pamumuno ni SFO4 Jonathan R. Albos sa isinagawang 'Annual Simultaneous Blowing of Horn' (10 minutes) na sinundan naman ng Motorcade and Oplan Ligtas na Pamayanan on the Road sa Poblacion na nilahokan din ng PNP-Pagbilao, MDRRMO at ng mga Barangay Officials.

Patuloy ang kampanya ng Local Government Unit sa pagpapalaganap ng tama at wastong kaalaman para sa ating mga minamahal na kababayang PagbilaoWINS upang maiwasan ang insidente ng sunog.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

Photo Courtesy: BFP Pagbilao FS Quezon

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna