The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

"Unstoppable Mayor Ate Gigi Portes"

July 20, 2022

News

"Unstoppable Mayor Ate Gigi Portes"

Bumisita kahapon ang ating butihing Alkalde Ate Gigi Portes kay Pagbilao District I Supervisor Catalino Porta at sa mga Punong guro ng Pagbilao East Elementary School at Pagbilao Central Elementary School upang alamin ang sitwasyon ng edukasyon sa Pagbilao. Kaugnay ito ng nalalapit na 100% Face-To-Face Classes. Sa nasabing pagbisita, humingi ang Punong bayan ng tulong upang hikayatin ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang sa pagpabakuna laban sa COVID19. Ipinaalala din niya na mag-ingat ang lahat sa banta ng dengue.

Patuloy na bumababa sa mga Barangay Health Centers si Ate Gigi para alamin ang mga pangangailangan at kakulangan ng mga pasilidad nang sa gayon ay mahatiran sila ng mga tulong at serbisyong medikal. Binisita niya ang Barangay Health Center ng Barangay Bukal at Brgy. Mapagong.

Hindi rin nakalimutan ni Mayor Ate Gigi na dumaan sa Pagbilao Crisis Intervention Center, isang pasilidad na patuloy na isinasaayos para mabigyan ng kalinga at alaga ang mga kliyente dito. Sa kasalukuyan,  may dalawang kliyente na tinuturuan ng rugs and beads making at iba pang gawain gaya ng paglilinis, pagluluto at paghahalaman. Nilalayon ni Ate Gigi na higit pang palakasin ang pasilidad na ito.

Bumisita sa tanggapan ng Puong Bayan ang Landbank Personnel at sina MLGOO Sarah Rivera at DILG Cluster Head Vilma de Torres upang magbigay-pugay sa bagong butihing Punongbayan.

Nagpatawag din ng pagpupulong si Mayor Ate Gigi sa Local Finance Committee at pinag-usapan ang Annual Budget 2023, isasagawang Executive-Legislative Agenda sa darating na buwan ng Agosto.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Para sa iba pang larawan: https://bit.ly/3oChdRN