12 Disaster Vehicles, ipinamigay ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic

Upang epektibong maaksiyunan ng bawat barangay ang mga hindi inaasahang pangyayari, aksidente o mga insidenteng dulot ng kalamidad ay ipinagkaloob na ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang inisyal na labing-dalawang disaster vehicle na kinabibilangan ng Binahaan, Bantigue, Mapagong, Silangang Malicboy, Kanlurang Malicboy, Ibabang Palsabangon, Daungan, Ilayang Polo, Ikirin, Castillo, Bukal at Pinagbayanan.

Ginanap ang naturang pamamahagi sa isinagawang regular na flag raising ceremony ng Pamahalaang Bayan ngayon, ika-15 ng Oktubre taong kasalukyan na kung saan dumalo ang mga opisyales ng iba’t-ibang Sangguniang Barangay at ilang mga konsehal ng bayan kasama si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic at Municipal Administrator Iang Palicpic.

Alinsabay din sa mga naturang aktibidad ay ang pagbabasbas ng mga disaster vehicle sa pangunguna ni Rev. Fr. Ferdinand Maaño.

Samantala, sa naging pananalita ng Punong Bayan ay kaniyang pinaalalahanan ang mga paunang barangay na nabigyan ng naturang mga sasakyan na pangalagaan at bigyang halaga ang mga ito sapagkat ito ay repleksiyon ng kanilang pamamahala at ng kanilang pamamaraan ng pagseserbisyo.

Dagdag pa ni Mayor Shierre Ann na sakaling walang kakayanan ang mga barangay sa maintenance at pambili ng spare parts nito sakaling masira ay ipagbigay-alam agad sa kanya upang nang sa gayon ay agad itong matugunan.

Tunay na binibigyang prayoridad ng liderato ng Punong Bayan ang iba’t-ibang mga pangangailangan ng bawat barangay sa naturang bayan upang nang sa gayon ay maipagkaloob ang mga karampatang serbisyo, programa at proyekto para sa mga mamamayang Pagbilaoin. #SerbisyongPalicpic #PagbilaoWINS

Contact Us

Pagbilao Municipal Hall
Rizal St., Brgy. Sta. Catalina,
Pagbilao, Quezon

Telephone No.: (042) 797-0937
Email: quick@pagbilao.gov.ph [click here]

Philippine National Police
Tel. No.: (042) 797-2854
Bureau of Fire Protection
Tel No.: (042) 797-0932
Health Office
Tel No.: (042) 797-3092

Department:

Enter the word below

captcha

LATEST NEWS

LGU holds Mr. & Ms. Pagbilao 2018

Wednesday, November 28, 2018 @ 1:26

Nine (9) lovely ladies and eight (8) dashing gentlemen vied for the Mr. & Ms. Pagbilao crown, November 23, 2018…

Read More

Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria, ipinagdiwang ng mga PagbilaoWINS

Wednesday, November 28, 2018 @ 1:23

Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria, ipinagdiwang ng mga PagbilaoWINS Sama-sama at nagkakaisang ipinagdiwang ng mga mamamayan ng Pagbilao ang…

Read More

SHARE THIS
Copyright © 2014-2018 Municipality of Pagbilao, Quezon, Philippines. All Rights Reserved.