
Nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao sa
Philippine Statistics Office (PSA) sa pagdiriwang ng Civil Registration Month
ngayong buwan ng Pebrero. Kaalinsabay ng naturang selebrasyon, naghandog ang
Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng Local Civil Registrar (LCR) ng mga libreng
serbisyo para sa mga minamahal na PagbilaoWINS. Ito ay ang pag-iisyu ng
sertipikasyon ng birth, death at marriage kahapon, Pebrero 26 at ngayon,
Pebrero 27 hanggang Pebrero 28 ay isinasagawa naman ang libreng late birth
registration. Hangad ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic na ang lahat ng
batang isisilang sa bayan ng Pagbilao ay makapagpatala at mairehistro sa LCR
upang lumaking may sapat na pagkakakilanlan.