The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

AICS

November 09, 2022

News

November 09, 2022 | Personal na dumalo ang ating masipag na Punong Bayan, Mayor Ate Gigi Portes kasama si MSWDO Ma'am Emerita Madla sa pamamahagi ng tulong pinansyal para sa 200 PWD members mula sa Assistance for Individual in Crisis Situations na kaloob ng Pamahalaang Panlalawigan na ginanap sa Municipal Covered Court.

Pagkaraan, pinangunahan ni Mayor Gigi ang pulong ng Municipal Advisory Council sa Senior Citizen’s Building kung saan inilatag ni Pantawid LGU Link na si Bb. Japor ang kasalukuyang estado ng mga miyembro ng 4Ps sa bayan ng Pagbilao.

Sa nasabing gawain, hiniling ng Punong Bayan na magkaroon ng planong pangkabuhayan o after care program para sa 92 na mga magsisipagtapos sa programang ito ng nasyonal na gobyerno.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3EAl75b