The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Animal Dispersal & Livelihood Assistance Project

September 01, 2021

News

September 01, 2021 | Mayor Shierre Ann Portes Palicpic at Team Energy Foundation Inc., isinagawa ang isang programa ukol sa Corporate Social Responsibility (CSR) kung saan ipinamahagi 113 Baka para sa mga PagbilaoWINS

Ang naturang programa ay dinaluhan din nina Councilor Manny Luna, Councilor Dita Ayaton, Councilor Aldrien Calabia, Dr. Jan Vincent Devanadera at Ate Angelica “Gigi” Portes habang nirepresenta ni Mr. Froilan Gregory Romualdez, Head for External Affairs ang Team Energy Corporation na ginanap sa Slaughter House sa Barangay Bukal, Pagbilao, Quezon.

Nabanggit ni Mr. Romualdez na laging nakasuporta ang kanilang kompanya sa mga programa at proyekto ni Mayor Palicpic para sa ikabubuti ng buhay ng bawat PagbilaoWINS gaya ng programang Animal Dispersal and Livelihood Assistance.

Sa mensahe naman ni Mayor Shierre Ann, ang programang ito ay pagtugon din at bahagi ng Recovery Package ng Lokal na Pamahalaan upang makatulong sa pangkabuhayan at pamumuhay lalo’t higit ngayong panahon ng pandemya.

Lubos na pasasalamat din ang ipinabot ng Punong bayan sa lahat ng bumubuo ng Team Energy Foundation, Inc.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3jywYrk