The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Anti Flu Vaccine - Iba Palsabangon

October 26, 2021

News

Mahigit 200 PagbilaoWINS ang nabakunahan sa ilalim ng programang LIBRENG Anti-Flu Vaccination na ginanap sa Barangay Ibabang Palsabangon nitong Oktubre 26, 2021.

Personal na dumalo sa nasabing aktibidad sina Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, Councilor Manny Luna, Councilor Aldrien Calabia at Councilor Dita Ayaton upang ipakita ang buong suporta.

Dinaluhan din ni Ate Gigi Portes ang vaccination program kung saan kanyang ipinaliwanag ang mabuting dulot ng Anti-Flu o kontra trangkaso na bakuna.

Lubos na pasasalamat ang ipinaabot ng Sanggunian ng Barangay Ibabang Palsabangon sa pamumuno ni Rodelo Merle para sa makabuluhang programang ito ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3mkZ6PU