Ngayong ika-292 taon ng pagdiriwang ng Araw ng Pagbilao
ay nagkaroon ng BUNTIS CONGRESS nitong ika-30 ng Agosto 2022.
Bilang pasimula ng programa, nagbigay ng mensahe ng pagtanggap si Municipal Nutrition Action Officer Dr. Mariam Merluza at ito’y sinundan ng pagbibigay mensahe ng inspirasyon ni Dr. Riki J. Tolentino.
Bumati at nagbigay rin ng mensahe ang ating Ama ng Health and Sanitation Code Hon. Jeffrey Tiñana patungkol sa kung ano ang mga maring malaman ng ating mga buntis na tagapakinig sa kanilang pagdadalang tao.
Sinundan din ito ng napakagandang mensahe mula sa ating Municipal Administrator Ian T. Palicpic na syang magbibigay ng inspirasyon na babaunin ng ng mga tagapakinig na buntis ukol parin sa pagdadalang tao.
Sa huli ay nagbigay ng mensahe ang ating masipag na Punong Bayan, Mayor Angelica “Ate Gigi” Portes. Binigyang diin ni Ate Gigi ang mga bagay na nangyayari mula paglilihi hanggang sa pagsilang ng sanggol upang magkaroon ng ideya ang mga buntis sa kung ano ang mangyayari sa kanila sa loob ng ilang buwan ng kanilang pagdadalang tao.
Maging ang mga programang angkop para sa kanila ay nabanggit din ng ating Punong bayan kaya naman ang lahat at nagagalak sa mga balita at kaalam na kanilang narinig mula rito.
Isinagawa rin ang sumusunod na talakayan sa naturang aktibidad:
Pre-Natal care and New Born Screening
Dr. Lorilie G. Salonga
Nutrition and healthy Lifestyle in the new Normal
Mrs. Joan Maricel Zeta-Decena
Bakit mahalaga ang Pagpapasuso?
Ms. Kristine Nicole Estrella
Proper Oral Health Care
Dr. Mariam Merluza
HIV Basis
MsAnna Michelle A. Ravanzo
#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes
Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3RiSrTm