The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

August 1st

August 01, 2022

News

Sa pagsisimula ng buwan ng Agosto, matapos dumalo at pangunahan ang lingguhang Flag Ceremony at ang pagbibigay ng kanyang Ulat sa Bayan, bumisita ang ating butihing Punong bayan, Mayor Ate Gigi Portes sa Pagbilao Central Elementary School para kumustahin at bigyang inspirasyon ang mga batang kukuha ng pagsusulit upang makabilang sa programang Iskolar ng Pagbilao.

Sa nasabing pagbisita, nabanggit ni Ate Gigi kay Mam Mildred De Romas, Principal ng PCES, ang pagpapatitulo ng lupang kinatitirikan ng paaralan. "Nilalayon ko na paunlarin ang kalidad ng edukasyon sa primary at secondary level. Tinatarget ko din na magkaroon ng kolehiyo sa ating bayan upang makaproduce tayo ng college graduates na makakatulong sa pagpapaunlad ng Pagbilao," ani ng alkalde.

Kaugnay nito, ipinag-utos din ni Ate Gigi ang mahigpit na mga paghahanda para sa pagbubukas ng face to face classes at paigtingin ang pagbabakuna laban sa COVID-19.

Dumalo din ang Alkalde sa isinasagawang Mandatory Training for Cooperative Officers na isinagawa sa Senyrong Pangkabuhayan kung saan resource speaker si Provincial Cooperative Development Specialist Mr. Ranel B. Lingahan. Nabanggit ni Ate Gigi ang ilang mga programang may kinalaman sa temang "Governance and Management of Cooperatives" na sisikapin niyang maisakatuparan agad.

Nakipagpulong din ang Alkalde kina Mr. Darwin Merle at Ms. Lavenia Pakingan ng Municipal Agriculture Office tungkol sa ani ng gulay, mais, palay at iba pang produkto. Pinag-usapan sa pulong ang mga suliranin sa ani at produksyon ng mga gulay.

Dumating din sa opisina ng alkalde ang mga bantay-dagat. Sa nasabing pulong, inalam ni Ate Gigi ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nangangalaga sa karagatan ng Pagbilao at kung paanong higit na mapoprotektahan ang dagat at mga dalampasigan ng bayan.

Bago matapos ang araw, nakapanayam din ni Mayor Ate Gigi ang ilang barangay officials tungkol sa proyektong E-hub Learning.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3PXZfFl