The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Ayudang Handog Mula sa Pamahalaang Panlalawigan

April 28, 2020

News

Matagumpay na isinagawa ang programang paghahatid ng ayudang handog ng Pamahalaang Panlalawigan para sa bayan ng Pagbilao ngayong araw sa pangunguna ng Ama ng Lalawigan ng Quezon, Gob. Danilo "Danny" E. Suarez. Personal na tinanggap ng butihing ina ng Bayan ng Mananalo, Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang 10,000 food relief packs at health coupons katuwang sina Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic, mga Punong Barangay at ang ilang mga Konsehal ng Bayan - Kons. Dita Ayaton, Kons. Aldrien Calabia, Kons. Manuel Luna at Kons. Joseph Pinon. Kasama ni Gob. Suarez sa pagkakaloob ng mga ayuda sina Bise-Gobernador Samuel Nantes, Bokal Alona Obispo at Bokal Jerry Talaga ng unang distrito. Agarang ipinamahagi sa 27 Punong Barangay ang mga naturang food packs at health coupons na nagmula sa ating Pamahalaang Panlalawigan. Kaisa ni Gob. Danny Suarez si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic at ang buong bayan ng Pagbilao laban sa kampanya sa pagsugpo ng coronavirus.