BFAR-QUEZON NAMIGAY NG LAMBAT SA MGA MANGINGISDA NG PAGBILAO

Ipinamigay ng Buerau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Quezon ang fish nets para sa mga mangingisda mula sa Pagbilao, Quezon sa Sentrong Pangkabuhayan Auditorium, Agosto 9, 2018.

Personal namang dumalo si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic kasama si Municipal Administrator Ian Palicpic sa naturang aktibidad.

Sa naging mensahe ng Punong Bayan, ay kaniyang pinasalamatan ang BFAR Quezon na kinatawan ni Ernest Laureles, sa pagkakaloob ng naturang kagamitan na tiyak na makatutulong para sa mga mangingisda ng bayan ng Pagbilao at sa patuloy na pagbibigay ayuda nito sa naturang bayan.

Hinikayat din ni Mayor Shierre Ann na isaayos ang kanilang mga samahan upang nang sa gayon ay mabigyan ng karampatang katugunan anuman ang kanilang kahilingan ng naaayon sa itinatadhana ng batas. Nabanggit din nito na balak nila ng kaniyang kabiyak na magkaloob ng pintura para sa mga nakalistang opsiyal na mandaragat na aabot sa 400 upang nang sa gayon ay mapinturahan ang kanilang mga bangka na siyang magsisilbing tatak na ito ay mandaragat ng Pagbilao.

Samantala, bilang tagapamahala ng mga bantay-dagat si Municipal Administrator Ian Palicpic ay kaniyang hiningi ang tulong ng mga mangingisda na mag-masid rin at ipagbigay alam sa kinauukulan sakaling may kahina-hinala silang aktibidad na masaksihan bilang pagpapaigting ng kampanya na maiwasan ang mga nananamantala. #PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Contact Us

Pagbilao Municipal Hall
Rizal St., Brgy. Sta. Catalina,
Pagbilao, Quezon

Telephone No.: (042) 797-0937
Email: quick@pagbilao.gov.ph [click here]

Philippine National Police
Tel. No.: (042) 797-2854
Bureau of Fire Protection
Tel No.: (042) 797-0932
Health Office
Tel No.: (042) 797-3092

Department:

Enter the word below

captcha

LATEST NEWS

Ika-288 Araw ng Pagbilao at Ika-333 Araw ng Parokya ipinagdiwang ng mga PagbilaWINS

Tuesday, September 4, 2018 @ 3:29

Nagkaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao na pinangungunahan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, at ang Parokya ni Santa Catalina…

Read More

LGU recognizes 10 Outstanding Business Taxpayers of 2018

Tuesday, September 4, 2018 @ 2:19

Ten (10) businessmen and ten (10) corporations in Pagbilao were recognized by the municipal government as Outstanding Business Taxpayers for…

Read More

SHARE THIS
Copyright © 2014-2018 Municipality of Pagbilao, Quezon, Philippines. All Rights Reserved.