The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Bike Distribution

December 29, 2020

News

December 29, 2020 | Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic muling pinangunahan ang BICYCLE DISTRIBUTION- PEDAL NG PAG-ASA, PADYAK NG PAGKAKAISA.

Ngayong umaga ay muling namahagi ang Punong Bayan ng mga Bisikleta na makatutulong sa pang-araw-araw na hanapbuhay ng mga PagbilaoWins.

Kasama sa programang idinaos sa Municipal Covered Court sina Municipal Administrator & Disiplina Mins Focal Point Person - Engr. Ian Palicpic at MSWDO Emerita Madla.

Binigyang-diin ni Mayor Palicpic sa kanyang pananalita ang layunin ng programa na may kinalaman sa Environmental Friendliness, Physical Fitness, Mental Health Well-Being, Culture of Discipline at Livelihood.

Matatandaang nitong Nov. 22, 2020 ay unang inilunsad ng Local Government Unit of Pagbilao ang Bicycle Distribution.

Samantala, taos-puso ang pasasalamat ng mga PagbilaoWins na unang nang nabahaginan ng mga bisikleta ngayong taon.

 

#SerbisyongPalicpic

#PagbilaoWins

#DisiplinaMuna

#KayangKayaBastaSamaSama.

Para sa iba pang larawan: Tingnan