Pedal ng Pag-asa, Padyak ng Pagkakaisa
Pamamahagi ng mga 100
Bisikleta para sa PagbilaoWINS
05 July 2021 | Ang mga kababayan natin mula sa iba't ibang
barangay na may iba't ibang hanapbuhay ang tumanggap ngayong araw ng mga
bisekleta mula sa Pamahalaang Lokal ng Pagbilao katuwang ang Team Energy
Corporation.
Ayon kay Mayor
Shierre Ann Portes-Palicpic, sinisigurado niyang ang mga programa at
proyekto ay lapat, ukma at naaayon sa pangangailangan ng mga mamamayan at dapat
may tamang pagpaplano upang maisagawa ito, pinag-iisipan at pangmatagalan.
Dagdag pa ng
Punong Bayan, ang pamamahagi ng mga Mountain Bikes ay malaking benepisyo sa
ating mga kababayan.
Una, Hindi na
kailangang sumakay at may mababang interaksyon sa iba. Pangalawa, ang panahon
ng pandemya ay nagdulot ng mental issues dahil dito, nakatutulong ang
pag-eehersisyo sa pamamagitan ng pagbibisekleta. Pangatlo, makababawas sa
gastusin at mas makapupunta sa lugar ng pinagtatrabahuhan.
Matatandaan na
noong nakaraang taon, anim na daang mga bisekleta ang naipagkaloob sa mga
PagbilaoWINS bilang bahagi ng parehong programa.
Personal na dumalo
sina Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic, Konsehal Manny Luna,
konsehal Dita Ayaton, Konsehal Aldrien Calabia, Konsehal Lito Merle, MSWDO
Emerita Madla at Ate Gigi Portes sa nabanggit na aktibidad na nagbigay ng
kanilang lubos na suporta sa programang ito.
Sama-sama po
nating lalabanan ang pandemyang ito,
Kayang-kaya Basta't Sama-sama!
We WIN as ONE!
We are ONE!
#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna
Tingnan ang iba pang larawan: https://tinyurl.com/2wehyrc3