The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Bike Distribution

July 16, 2021

News

"Pedal ng Pag-asa, Padyak ng Pagkakaisa"

Pamamahagi ng mga Bisikleta para sa PagbilaoWINS (Batch 2)

16 July 2021 | Gaya ng unang batch ng mga beneficiaries, ang mga kababayan natin mula sa iba't ibang barangay na may iba't ibang hanapbuhay ang personal na tumanggap ngayong araw ng mga bisekleta mula sa Pamahalaang Lokal ng Pagbilao sa pangunguna ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic katuwang ang Team Energy Corporation (TEC) na isinagawa sa Brgy. Ikirin, Pagbilao, Quezon.

Ayon kay Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, sinisigurado niyang ang mga programa at proyekto ay lapat, ukma at naaayon sa pangangailangan ng mga mamamayan at laging may tamang pagpaplano upang maisagawa ito, pinag-iisipan at pangmatagalan. Dagdag pa ng Punong Bayan, na ang pagbibigay ng mga Mountain Bikes ay bahagi ng Recovery Package at sama-samang pagbangon ng PagbilaoWINS sa hamon dala ng pandemya.

Matatandaan nitong July 5, 2021, isinagawa ang Pamamahagi ng mga Bisikleta para sa unang isang daang (100) benepisyaryo at ngayong hapon, karagdagang isang daang (100) PagbilaoWINS ang tumanggap ng mga bisekleta sa ilalim ng parehas na programa.

Personal na dumalo sina MSWDO Emerita Madla, Konsehal Dita Ayaton, Konsehal Aldrien Calabia, at Ate Gigi Portes sa nabanggit na aktibidad na nagbigay ng kanilang lubos na suporta sa programang ito.

Sama-sama po nating lalabanan ang pandemyang ito,

Kayang-kaya Basta't Sama-sama!

We WIN as ONE!

We are ONE!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna

Tingnan ang iba pang larawan: https://tinyurl.com/mjwtccar