Matagumpay ang isinagawang Blessing and
Inauguration of Pagbilao Mangrove Experimental Forest View Deck, Board Walk,
Pavilion and Multi-Purpose Hall noong Marso 4, 2020 sa Brgy. Ibabang
Palsabangon. Dumalo ang Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao, Department of Environment
and Natural Resources (DENR), Provincial and Tayabas City Environment and
Natural Resources, at Sangguniang Barangay ng Ibabang Palsabangon at ilang
sangay ng Pamahalaang Panlalawigan sa nasabing aktibidad. Taos-puso ang
pasasalamat ni G. Ramil Limpiada ng CENRO Tayabas na nagbahagi ng naging
simulain ng proyekto sa administrasyon pa ng dating Ama ng Lalawigan at ngayon
ay Congressman ng ikalwang Distrito Kgg. David "Jayjay" Suarez na
solid ang naging suporta at pagtulong gayundin sa Provincial Government
Environmental and Natural Resources Office (PGENRO) na kanilang naging kaagapay
sa nabanggit na proyekto. Dagdag pa sa kanyang pagbabahagi ay ang ilang
improvements na kinakailangan sa lugar. Para naman sa mensahe ni Mayor Shierre
Ann Portes-Palicpic na kinatawan ni Municipal Administrator Engr. Ian Palicpic
na gawaing ito ay remarkable para sa mga PagbilaoWINS at maging sa lahat ng
kalalawigan ng Quezon kung saan ang bayan ng Pagbilao ay makilala hindi lamang
sa mga power plants bagkus sa mga ganitong uri ng makapaligirang lugar, isang
balanseng bayan na laging handa sa mga development ng kapaligiran. Samantala sa
naging pananalita ni Kgg. Danilo E. Suarez, Gobernador ng Quezon bilang tugon
sa mga pangangailangan ng lugar ay dapat bigyang pansin ang mga magpapaganda sa
atraksyon gaya ng pagpapa-aayos ng kalsada sa pakikipagtulungan sa Provincial
Engineering, magandang signal reception at maging ang problema sa kuryente.
Panawagan niya na bigyan ng pagpapahalaga ang biodiversity at siguruhing walang
magpuputol ng mangrove sa nabanggit na Mangrove Forest. Inaasahan na ang
Palsabangon Mangrove Swamp Forest Reserve o kilala sa dating tawag na Pagbilao
Mangrove Experimental Forest ay ang magpapausbong ng eco-tourism sa Quezon lalo
na at ito ay dinarayo ng mga lokal na turista tulad ng mag-aaral at mga
researchers. Ito rin ang pinaka-diversed na mangrove sa buong Pilipinas at
pangalawa sa Asya.