The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Blood Donation Drive: One Blood, One PagbilaoWINS

May 19, 2021

News

MAY 19, 2021 | MATAGUMPAY na isinagawa ang BLOOD LETTING ACTIVITY sa pagtulungan ng lokal na pamahalaan, MOVE-Pagbilao katuwang ang Red Cross na ginanap sa Sentrong Pangkabuhayan Auditorium.

Nakalikom ng mahigit na 40 bags ng mga dugo sa boluntaryong gawaing ito kung saan nakibahagi ang mga miyembro ng Men Opposed to Violence Against Women and Children (MOVE), mga empleyado ng LGU at mga kababayang PagbilaoWINS.

Buo ang suporta nina Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic at Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic na tumatayo ring MOVE-Pagbilao President sa pagbabahagi ng dugo na malaking tulong sa ating mga kababayan lalo't higit ngayong pandemya.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna

Tingnan ang iba pang larawan: https://tinyurl.com/29n44vht