The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Capability Enhancement Training

July 27, 2022

News

"NEVER-ENDING WEDNESDAY"

Dumalo at nagbigay ng mensahe kahapon ang ating butihing Alkalde Ate Gigi Portes sa Capability Enhancement Training na isinagawa ng Thermal Luzon Inc sa Pagbilao Wide Barangay Health Workers na ginanap sa Barangay Bukal Hall. Kabilang sa mga panauhin sina Kapitan Privado Carlos, Vice Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, Konsehal Manuel Luna, Dr. Gerard Daya, at Mr. Rupert Vito mula sa Thermal Luzon Inc.

Idinaos din kahapon at pinangunahan ni Mayor Ate Gigi ang seremonya ng kauna-unahang pag-iisang dibdib ng apat na pares ng mga nagmamahalang Pagbilaowins na ginanap sa Sentrong Pangkabuhayan.

Dagdag pa, nagbigay-pugay sa ating alkalde ang Puno ng UBRDEC na si Mr. Gregorio R. Santos. Tinalakay sa pulong ang pamimigay ng mga binhing bakawan, paano pangangalagaan ang bakawan, at pagtatayo ng "Kapehan sa Talipan."

Nagbigay pugay din sa ating alkalde ang Mines and Geosciences Bureau para sa pagsasagawa ng Vulnerability and Risk Assesment (VRA) at paglalahad ng geohazard susceptibility map of Pagbilao.

Muli ring nakipagpulong si Ate Gigi sa Tagapangasiwa ng Municipal Agriculture Office na si Ma'am Minda Melendrez. Ilan sa mga isyung tinalakay sa nasabing pulong ang paglalahad ng LDIP AIP and Project Design, Local Poverty Reduction Action Council, Municipal Cooperative Development Council, Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3oB98wX