Isinagawa ang Capacity Development Training
para sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ng 27 Barangay ng
Pagbilao ngayong Oktubre 8, 2020 sa Sentrong Pangkabuhayan, Auditorium.
Ang naturang pagsasanay ay kaugnay ng mas
pinalakas na mga hakbangin ng Pamahalaang Lokal sa pamumuno ni Mayor Shierre
Ann Portes-Palicpic at sa inisyatibo ng ating Municipal Health Office upang
maturuan ng sapat na kaalaman ang BHERT ukol sa tama at ligtas na paglilipat at
pagdadala ng mga positibong pasyente sa Ligtas CoViD Center at mga Barangay
Lingap Center.
Kayang-kaya
Basta't Sama-sama!
#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic