The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Ceremonial Vaccination (5-11 yrs old)

February 14, 2022

News

Sinimulan na nitong Lunes, February 14, ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang PagbilaoWINS edad 5 hanggang 11 sa bayan ng Mananalo.

Pinangunahan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang pilot rollout ng ResbakUNA Kids na pinangasiwaan ng Rural Health Unit sa pamumuno ni Municipal Health Officer, Dr. Riki J. Tolentino.

Upang maaliw ang mga bata, nagkalat ang mga lobo sa Municipal Covered Court na itinalagang Vaccination Site at nagbigay naman ng tsokolate si Mayor Palicpic sa mga chikiting habang naghihintay na maturukan ng ligtas at epektibong bakuna.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Para sa iba pang larawan: https://bit.ly/3oRzYS1