"COOKING
NANAY: NUTRISYON MO, IPAPANALO KO!" PROGRAM para sa mga KALIPI Members ng Barangay
Daungan nitong ika-20 ng Setyembre, 2021.
Sa
pinagsama-samang inisyatibo nina Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic bilang
KALIPI President, ng Gender And Development Office at ng Municipal Nutrition
Action Office ay matagumpay na ring idinaos ang nabanggit na bagong lokal na
programa ang "Cooking Nanay: Nutrisyon Mo, Ipapanalo Ko!".
Layunin po ng
gawaing ito na madagdagan ang kaalaman ng mga kababaihan pagdating sa paghahanda,
pagluluto at paghahain ng masusustansyang pagkain sa hapag-kainan ng bawat
Pamilyang PagbilaoWINS at itaguyod ang isang malusog na pamayanan at
palaganapin ang wastong kaalaman sa tamang nutrisyon.
Dumalo dito sina
Ma'am Jane Luce, KALIPI Working President Ate Angelica Gigi Portes at ang mga
miyembro ng KALIPI mula sa naturang barangay.
Kayang Kaya basta't Sama-sama!
#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic
Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3ADbr6J