The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Cooking Nanay - Talipan TNHS

September 25, 2021

News

"COOKING NANAY: NUTRISYON MO, IPAPANALO KO!" PROGRAM para sa mga KALIPI Members ng Barangay Talipan nitong ika-25 ng Setyembre, 2021.

Sa pinagsama-samang inisyatibo nina Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic bilang KALIPI President, ng Gender And Development Office at ng Municipal Nutrition Action Office ay matagumpay na ring idinaos ang nabanggit na bagong lokal na programa ang "Cooking Nanay: Nutrisyon Mo, Ipapanalo Ko!".

Layunin po ng gawaing ito na madagdagan ang kaalaman ng mga kababaihan pagdating sa paghahanda, pagluluto at paghahain ng masusustansyang pagkain sa hapag-kainan ng bawat Pamilyang PagbilaoWINS at itaguyod ang isang malusog na pamayanan at palaganapin ang wastong kaalaman sa tamang nutrisyon.

Dumalo dito sina Ma'am Jane Luce, KALIPI Working President Ate Angelica Gigi Portes, Councilor Dita Ayaton, PB Editha Alano, Sangguniang Barangay ng Talipan at ang mga miyembro ng KALIPI mula sa naturang barangay.

Kayang Kaya basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3Fbr8VI