The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

COVID-19 Vaccination Roll Out sa Bayan ng PagbilaoWINS

April 05, 2021

News

April 5, 2021 | COVID-19 VACCINATION ROLL OUT SA BAYAN NG PagbilaoWINS

Nitong hapon ng Lunes, isinagawa ang isang pagpupulong hinggil sa ResbakUNA ; Ligtas-Gabay ukol sa Covid-19 para sa lahat ng Barangay Health Workers (BNS) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) ng 27 barangays na ginanap sa Barangay Ikrin, Pagbilao, Quezon.

Masusing tinalakay ni Ate Gigi Portes bilang Resource Speaker ang mga impormasyon at kaalaman tungkol sa kaligtasan at epektibong Bakuna kontra CoronaVirus Disease at ang halaga nito. Si Ate Gigi ay isang Public Health Nurse at isa rin sa mga kapatid ng ating Punong Bayan. Inaasahan na sa mga susunod na araw at buwan ay magtutungo siya sa bawat sitio upang magpaliwanag at hikayatin ang ating mga kababayan na magpaturok at makamit ang herd immunity.

Samantala, ipinasilip naman ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang Vaccination Plan ng ating bayan sa mga dumalo. Binigyang diin niya ang mga magiging gawain at responsibilidad ng mga BHW at BNS gaya ng Masterlisting o pagtatala ng mga mamamayan kung sila ba ay magpapaturok o hindi; Paglalagay sa Talahanayan ng mga naging sagot sa Bakunation Forms; Magiging katuwang ng mga Punong Barangay sa Vaccination Sites at magiging kasama sa pagbaba sa barangay ng Team ResbakUNA.

Ayon kay Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic, sa kasalukuyan ay may kakulangan sa merkado ng supply ng bakuna laban sa Covid pero hindi siya tumitigil bilang Vaccine Czar na maghanap nito na daraan sa tama at legal na mga proseso.

Personal ding dumalo sa pagtitipon sina Dr. Riki J. Tolentino, Dra Mariam Merluza, Kasangga sa Edukasyon Kons. Dita Ayaton, Kasangga sa Turismo Kons. Aldrien Calabia, kasangga sa Agrikultura Kons. Manny Luna at ang Team PagbilaoWINS.

Dito sa Bayan ng Pagbilao, Yes Kami sa Bakuna!

 

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna #BidaSolusyon

Narito ang iba pang larawan: https://tinyurl.com/5cps84jm