The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Covid-19 Vaccination

May 21, 2021

News

MAY 21, 2021 | Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, nagtungo sa vaccination hub kaninang umaga.

Nagbigay ng ilang paalala si Mayor Palicpic sa ating mga kababayang kabilang sa Priority Group A1, A2 at A3 na nakaschedule na magpabakuna ngayong araw sa Municipal Covered Court.

Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  •          Magsabi ng tapat at totoo sa Screening Committee, huwag magsisinungaling.
  •          Asahan na maaaring may sintomas na maramdaman, kung makaranas nito makipag-ugnayan sa mga BHW at sa Municipal Health Office na may Hotline Number na 0951-523-1936.
  •          Magsuot pa rin ng Face Mask at Face Shield dahil kapag binakunahan umasa na bababa muna ang Immune System at pagkatapos ng 2nd Dose matatamo naman ang pinakamataas na antas ng immune system ng katawan.
  •          Marapat na kunin ang pangalawang dose, maliban kung makaranas ng severe reaction sa unang turok kung kaya't kailangang magsabi kay Dr. Riki Tolentino upang malaman kung itutuloy ang 2nd Dose o hindi.

·         Ang pagbabakuna po ay hindi sapilitan.

Nagpasalamat din ang Punong Bayan sa lahat ng BNS at BHW na patuloy na nagtatala ng mga PagbilaoWINS na gustong magpabakuna.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://tinyurl.com/63fxs8us