The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Covid-19 Vaccination

July 29, 2021

News

July 29, 2021 | Patuloy ang isinasagawang Vaccination Program ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao sa pangunguna Municipal Health Office.

Ngayong umaga ng Huwebes, binisita ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang Municipal Covered Court na itinalaga bilang isa sa mga Vaccination sites ng bayan ng Pagbilao.

Binigyang linaw ni Mayor Palicpic na ang mga bakunang tinatanggap ng ating mga kababayan ay ayudang bakunang mula sa Department of Health (DOH) at hindi binili ng Local Government Unit.

Dagdag pa ng Punong Bayan na prayoridad na maturukan ng Johnson and Johnson's Janssen Vaccines ay mga A2 Priority o mga Senior Citizens at ang A3 Priority o mga may comorbidities o may sakit.

Katuwang si Municipal Health Officer Dr. Riki Tolentino, nurses, MHO Staff at mga barangay officials ay napapanatiling maayos ang daloy ng Vaccine Administration sa ating bayan.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3xb2ore