The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

DepEd Award

October 01, 2020

News

MAYOR SHIERRE ANN PORTES-PALICPIC, tumanggap ng PLAKE NG PAGKILALA AT PASASALAMAT mula sa DepEd IV-A

Ginawaran ng Plake ng Pagkilala at Pasasalamat ang ating minamahal na Punong Bayan Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ng Department of Education (DepEd) Region IV-A sa pamumuno ni G. Elias A. Alicaya, Jr., OIC- Office of the School Division Superintendent ngayong Oktubre 1, 2020.

Ang parangal na ito ay pagsaludo sa natatanging ambag ni Mayor Palicpic sa patuloy na pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon sa bayan ng Pagbilao sa gitna ng COVID-19 Pandemic.

Ang kanyang di matatawarang suporta, inisyatibo at paglalaan ng pondo upang matiyak ang isang ligtas na pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga batang PagbilaoWINS sa pamamagitan ng Learning Modules at iba pang Distance Learning Tools ay lubos na kinikilala.

Taos-puso rin ang pasasalamat ng DepEd sa buong suporta ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5, 2020, A.Y. 2020-2021.

Congratulations, Mayor! Da'best ka po talaga!

 

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

For more photos Click Here