The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Distribution of Agri Inputs

September 15, 2020

News

LIBRENG FERTILIZER SET, IPINAMAHAGI SA 3 ASOSASYON NG MAGPAPALAY

Pinangunahan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic kasama si Ma'am Leonora Melendrez, Municipal Agriculturist ang Distribution of Agricultural Inputs para sa mga Magsasaka ng Palay noong Setyembre 15, 2020 sa Motorpool, Brgy Bukal, Pagbilao, Quezon.

Mahigit 150 fertilizer set ang naipamahagi sa mga benepisyaryong magsasaka mula sa Brgy. Alupaye, Brgy. Binahaan at Bgry. Iba at Ila Palsabangon na makakatulong upang mas mapaganda ang pananim at ani nilang palay.

Tunay na isa sa prayoridad ni Mayor Palicpic ang sektor ng agrikultura kung kaya tinatarget din na mabigyan ang 14 pang Asosasyon ng mga Magsasaka ng Palay para sa mas ikauunlad ng ating bayan.

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

For more photos Click Here