The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Distribution of Agricultural Input

August 05, 2020

News

Matagumpay na ipinamahagi ang mga Farm Inputs sa mga samahan ng mga magsasaka ng mais ngayong Agosto 5, 2020 sa Motorpool.

Dinaluhan nina Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, Municipal Agriculturist Leonora Melendrez, Konsehal Manny Luna, Konsehal Dita Ayaton, Konsehal Aldrien Calabia kasama ang mga magmamais ng bayan ng Pagbilao

Binigyang-pansin ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic sa kanyang mensahe ang ZERO HUNGER PLAN - program para sa nutrisyon na ang layunin ay ang bawat bahay ay may kitchen garden na mapagkukunan ng maiihain sa kanilang mga hapag-kainan. Ang pamamahagi ng ayudang abono ay hindi lamang para kumita ng pera bagkus nakatutulong din na magbigay sigla sa ekonomiya ng ating bayan. Magtanim ng magtanim at huwag magsasawang magtanim, dagdag pa ng ating Punong Bayan.

Ang mga miyembro ng limang samahan ay tumanggap ng tig-iisang sakong Urea, tig-iisang sakong Complete at tig-lilimang sakong organic fertilizers upang mas pagyamanin at payabungin ang kanilang mga pananim na mais.

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

For more photos Click Here