INSENTIBO
PARA SA 800 TEAM BUHAY FRONTLINERS, SINIMULAN NANG IPAMIGAY NG LGU
Ngayong araw, pinangunahan rin ni Mayor
Shierre Ann Portes-Palicpic ang 2nd Batch ng pamamahagi ng insentibo para sa
lahat ng Frontliners sa 27 Barangay ng Pagbilao. Ang pagkakaloob ng 7,500 Pesos
sa bawat Barangay Frontliners ay bilang pagkilala at pasasalamat ng Lokal na
Pamahalaan sa hindi mapapantayang serbisyo at pagmamahal sa bayan habang
hinaharap ang panganib na dulot ng CoViD-19 .
Suma total, Sampung (10) Barangay na ang
nakatanggap ng insentibo. Samantalang ang natitirang labing-pitong (17)
barangay ay makatatanggap bukas.
Ang Bayan ng Pagbilao ay sumasaludo po sa inyo! Mabuhay ang mga Barangay Frontliners! Mabuhay ang Team Buhay!
#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic
For more photos Click Here