.jpg)
Isinagawa ang distribution
of checks sa mga Senior Citizens na ginanap sa Administrator's Conference Room
noong Marso 4, 2020. Kaugnay nito, nagbigay ng ilang paalala si Municipal
Administrator Engr. Ian T. Palicpic ating mga kababayan na kailangan ang
ibayong pag-iingat sa mga sakit at panatilihin ang kalinisan sa kanilang
katawan. Ang nasabing pamamahagi ay isang uri ng benepisyo na natatanggap ng
mga nakatatandang mamamayan ng bayan ng Pagbilao para sa kanilang
pangangailangang medikal. Patunay na, bata man o maging ang mga nakakatandang
PagbilaoWINS ay binibigyang pansin ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic upang
matugunan ang kanilang mga pangangailangan.