PAMAMAHAGI
NG FUEL SUBSIDY PARA SA MGA TRICYCLE AT JEEPNEY DRIVERS
Isa sa mga lubhang naapektuhan ng pandemya
dulot ng COVID-19 ay ang sektor ng Transportasyon - ilang buwan na walang
pasada, naapektuhan ng umiiral na community quarantine at sa kasalukuyan,
nakakapasada man ngunit kulang at kulang pa rin ang kita bilang pantustos sa
pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya.
Dahil dito, ang Pamahalaang Lokal sa
pangunguna ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ay namahagi ng fuel subsidy sa
ating mga kababayang tricycle at jeepney drivers ngayong Oktubre 7, 2020 sa
Brgy. Ikirin, Pagbilao, Quezon.
Ang subsidiyang ito ay non-transferable at
maaari lamang magamit sa Accredited Gas Station, ang PTT sa Brgy. Talipan. Ang
Fuel Voucher ay katumbas ng 1,000 Pesos para sa Tricycle Drivers at 2,000 Pesos
naman para sa mga Jeepney Drivers.
Nakuhang pagkakataon ito ng LGU-Pagbilao
upang hikayatin ang sektor ng transpor
tasyon ukol sa Newest Application ng Bayan
ang StaySafe.PH. Ipinaliwanag sa kanila ang kahalagahan na makapagregister sa
ganitong uri ng app upang manatiling ligtas at SafeKa.
Kasama ni Mayor Palicpic sina Municipal
Administrator Engr. Ian T. Palicpic, Konsehal Manuel Luna, Konsehal Dita
Ayaton, at Ma'am Jane Luce sa nasabing aktibidad.
#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna
For more Photos Click Here