
Sinimulan na rin ngayong araw ang pamimigay ng
Hygiene Kits sa mga bukas na tindahan na nasa loob o malapit sa Pamilihang
Bayan na nagmula sa Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao sa pangunguna ni Mayor
Shierre Ann Portes-Palicpic. Laman ng naturang kit ang ilang mga sabon,
multi-purpose bleach at alcohol. Samantalang ang ilan ay sinamahan na rin ng
face masks na gawa ng Kababaihang PagbilaoWINS.