The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Distribution of Nebulizers

February 11, 2022

News

"Buhay Agapay" Project: Distribution of Nebulizers para sa PagbilaoWINS Breath Club, February 11, 2022 | Pinangunahan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang paglulunsad ng samahan ng mga mamamayan na may sakit na asthma sa bayan ng Pagbilao. Sila po ay tinipon ng Lokal na Pamahalaan at tinawag na PagbilaoWINS BREATH cLub.

Isinagawa ang programang ito sa Pagbilao National High School na dinaluhan ng mahigit tatlong daang (300) katao kung saan sila ay tumanggap ng NEBULIZERS. Dinaluhan din ito nina Konsehal Dita Ayaton, Konsehal Aldrien Calabia, Konsehal Manny Luna at Dra. Mariam Merluza ang nabanggit na gawain

Layunin nito na kalingain, kilalanin at magkaroon ng organisadong samahan ang ating mga kababayan na may sakit na asthma gaya ng Sweet Heart Club na inilunsad ni Mayor Palicpic para sa mga diabetic at may mga sakit sa puso.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3GQq8FZ