Libreng pintura para sa mga bangka, handog sa mga
mangingisdang PagbilaoWINS
July 19, 2021 | Pinangunahan ni Mayor
Shierre Ann Portes-Palicpic katuwang ang Tanggapan ng Pambayang Pagsasaka ang Distribusyon
ng Paint Assistance para sa Municipal Fishing Vessels na ginanap
sa Covered Court, Brgy. Bantigue, Pagbilao, Quezon.
Sa naturang gawain, kasama ni Mayor Palicpic sina
Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic, Ma'am Rosalie Recaro, Ate Gigi
Portes at ilang kawani ng Local Government Unit na humikayat sa ating mga
kababayan na patuloy na makiisa sa pangangalaga at pagmamalasakit sa yamang
dagat ng bayan ng Pagbilao.
Kayang Kaya Basta't
Sama-sama!
#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna
Tingnan ang iba pang larawan: https://tinyurl.com/y6p6zarn