The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Distribution of Teachers Honorarium

February 10, 2021

News

"....napaligaya namin kayo, kaya higit sa lahat nais kong ipadama sa inyo na bagamat maraming problema ay HINDI KAYO NAG-IISA. Kasama nyo po kami sa Lokal na Pamahalaan para ibigay ang iba pa ninyong pangangailangan at para maibsan ang kapaguran at maibaba natin ang serbisyong dapat ibaba sa mga batang PagbilaoWINS."

- Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic


FEBRUARY 10, 2021 | Ipinagkaloob ng Pamahalaang Lokal sa pangunguna ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang Honorarium sa mahigit anim na daang (600) Public Teachers sa bayan ng Pagbilao na ginanap sa Couples For Christ, Brgy. Ikirin.

Ang "LAVS" Kita Ma'am at Sir (Learning Heroes Assistance for Valued Services) ay isang ideya ni Mayor Palicpic upang bigyang pagkilala ang mga kaguruan sa kanilang sakripisyo at dedikasyon sa pagtataguyod ng magandang edukasyon sa panahon ng pandemya.

Aktibo ring nakiisa sa pagtitipon sina Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic, Konsehal Dita Ayaton, Konsehal Aldrien Calabia at Konsehal Manny Luna.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Narito ang iba pang larawan: Tingnan