The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Distribution of Temperature Scanners

March 15, 2020

News

Ipinamahagi ni Mayor Shierre Ann Portes Palicpic ang mga temperature scanners sa Pagbilao Corona Task Force Team kahapon, Marso 15, 2020 pagkatapos ng kanilang isinagawang pagpupulong. Natalakay sa isinagawang pagpupulong ay ang pinal na gawain ng paglalagay ng checkpoint sa ating bayan, pagsita sa mga sasakyan na hindi nagsasagawa ng social distancing at maging ang pagtingin ng estado ng kalusugan ng mga biyahero. Hinihikayat rin ang publiko na sundin ang mga gabay ng Department of Health (DOH) upang manatiling ligtas. Ang nasabing kagamitan ay personal na nanggaling kay Mayor Palicpic na ang layunin ay ang agarang monitoring ng mga temperatura. Iwasan ang pagkakalat ng mga maling impormasyon upang maiwasan ang panic. Patuloy ang paghahanap ng Pamahalaang Bayan ng mga suppliers na mapagkukunan ng mga kagamitan na makatutulong sa ating mga mamamayan. Kaalinsabay nito, ang pag-iikot ng awtoridad sa mga pangpublikong kainan at lugar para sa social distancing at maging ang pagpapatigil ng mga operasyon ng mga resort. Maraming salamat sa lahat ng mga kawani ng mga Barangay at ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao. Ipagdasal po natin ang bawat isa. Magtulong-tulong tayo PagbilaoWINS upang maiwasan ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Kayang-kaya Basta't Sama-sama.