The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Distribution of Water Container and Carts

March 24, 2021

News

MARCH 23, 2021 | Mayor Shierre Ann Portes Palicpic at Team Energy Foundation Inc., isinagawa ang isang programa ukol sa Corporate Social Responsibility kung saan ipinamahagi ang mga water containers at push carts para sa mga residente ng Sitio Urban, Barangay Pinagbayanan, Pagbilao, Quezon. Ang naturang programa ay dinaluhan din nina Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic, PB Renan Salles at mga kagawad, Konsehal Aldrien Calabia at Konsehal Manny Luna habang nirepresenta ni External Affairs Officer Carlo Calvario ang Team Energy Corporation. Nabanggit ni Mr. Calavario na laging nakasuporta ang kanilang kompanya sa mga ideya at proyekto ni Mayor Palicpic para sa ikabubuti ng buhay ng bawat PagbilaoWINS. Sa mensahe ni Mayor Shierre Ann, kanyang pinaalala na gagawin ng Pamahalaang Lokal ang lahat ng maaaring ipatupad na programa at proyekto sa naturang komunidad. Hinikayat din niya ang mga nagsidalo na manatiling makiisa sa mga adhikain ng Local Government Unit. Aniya, ang tagumpay ng isang indibidwal ay nakasalalay din sa kanyang mga kamay. Matatandaan nito November 2020 ay inilunsad din ng Punong Bayan ang proyektong "Sahig Mo, Sagot ko" kung saan ang parehong mga residente ang naging beneficiaries.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Narito ang iba pang larawan: https://cutt.ly/Vx1laT2