The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Distribution of Wheelchair

September 17, 2020

News

Tinungo ng mga kawani ng Tanggapan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang Sitio Anos, Barangay Binahaan upang tugunan ang kahilingan ni Mary Ann Lorenzana para sa kanyang ina na si Virginia Lorenzana na mapagkaloob ng bagong wheelchair ngayong ika-17 ng Setyembre, 2020.

Agaran naman itong tinugunan ng Pamahalaang Lokal at ibinigay ang isang bagong wheelchair na may kasamang grocery items at iba pa nilang pangangailangan tulad ng adult diaper, inuming gatas, bigas at iba pa.

kaugnay nito, natulungan din ng LGU sa pamamagitan ni Mayor Palicpic ang pamilya ni Gng. Teresita Ayala ng Brgy Ikirin na pinadalhan din ng food packs.

Kayang-kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

For more photos Click Here