The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

DOH ASEC

February 09, 2021

News

FEBRUARY 9, 2021 | DOH UnderSecretary Dr. Maria Francia M. Laxamana, MHSA, MHA, CHS, bumisita at nakipagpulong kay Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, Sabayang Patak Kontra Polio at COVID-19 Vaccine tinalakay

Hapon ng Martes nang magtungo ang Team ni Usec Laxamana sa Municipal Health Office at sa Tanggapan ng Punong Bayan upang makipagdiyalogo kay Municipal Doctor Riki Tolentino at Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic. Umikot ang talakayan sa pangungumusta ng National Government sa mga hakbanging isinasagawa ng LGU-Pagbilao ukol sa COVID--19 Vaccination Plan.

Samantalang nagbigay din ng mga payo at paalala ang Department of Health pagdating sa kampanya laban sa Polio, Measles at maging sa mga alituntuning kaugnay ng Purchase, Storage and Vaccination Protocols ng COVID-19 Vaccines.

Ipinahayag din ng Punong Bayan ang ilang matatagumpay na programa at serbisyong pangkalusugan na isinasagawa sa Pagbilao partikular ang New Normal Operation ng Mobile Health Clinic.

Nagpapasalamat si Mayor Palicpic sa panahong inilaan ng DOH upang mabisita ang bayan ng Pagbilao.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Narito ang iba pang larawan: Tingnan