The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

ECQ-ID Distribution

March 27, 2020

News

Isinagawa ngayong araw ang distribusyon ng Enhanced Community Quarantine Identification Card (ECQ-ID) sa lahat ng Punong Barangay na ginanap sa Sentrong Pangkabuhayan Auditorium. Bawat isang household o bahay na nasasakupan ng barangay ay bibigyan lamang ng isang ECQ-ID at tanging ang may hawak at tamang pangalan ang may karapatang gumamit nito. Ang mga opisyales ng bawat barangay ang mamamahala sa pamamahagi. Ang nasabing card ay nagmula sa LGU at tatagal ang bisa hanggang matapos ang Luzon Enhanced Community Quarantine na inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay gagamitin ng buong bayan ng Pagbilao at papawalang-bisa ang Home Quarantine Pass na unang ibinigay ng mga barangay.