The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Egg Machine Program Visitation

May 23, 2021

News

Kamakailan, binisita at kinumusta ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang ilang miyembro ng Social Protection Program (SPP) na naging benepisyaryo ng Egg Machine.

Tuwang-tuwa ang Punong Bayan ng personal niyang makita na ang noon ay ipinamahaging lay pullets, cages at feeds sa ating mga kababayan ay lubos na ngayong napapakinabangan.

May mga itlog na, ika nga.

Matatandaan ipinagkaloob ito noong Disyembre 9, 2020 bilang bahagi ng Livelihood Assistance Program ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao upang mas mapataas ang antas ng kanilang pamumuhay lalo't higit ngayong panahon ng pandemya.

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic