The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Emergency Meeting

April 25, 2020

News

Pinangunahan ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ang Emergency Meeting nitong ika-24 ng Abril, 2020 na dinaluhan ng mga Punong Barangay kasama ang mga bumubuo ng Pagbilao CoViD-19 Task Force na ginanap sa Sentrong Pangkabuhayan Auditorium. Layunin ng mga PagbilaoWINS:

  • Huwag nang tumagal pa ang Enhanced Community Quaratine (ECQ) pagkatapos ng Mayo 15, 2020.
  • Huwag nang madagdagan pa ang naging 2 'confirmed cases' ng Pagbilao
  • Manatili ang 'zero crime rate' sa Pagbilao
  • 100% 'availability and supply' ng mga bilihin at pagkain sa palengke
  • 100% 'availability' ng pagkain sa hapag-kainan ng bawat PagbilaoWINS

Tinalakay din sa nasabing pagpupulong ang kasalukuyang 'status' ng bayan habang hinaharap ang mga usapin ukol sa 'CoViD-19'. Tinalakay din ang datos ng bagong klasipikasyon ang 'Suspect', 'Probable', at 'Confirmed Cases' sa bawat barangay na patuloy na mino-monitor ng ating mga Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) at ang mga "Precautionary Measures" na isinasagawa ng Pamahalaang Lokal. Kaugnay nito, ang Binahaan Integrated School ay ginawang "isolation facility" para sa mga 'PUMs' at 'Suspect Cases with mild symtoms'. Inatasan din ang lahat ng frontliners na gumawa ng 'diary' o listahan ng mga nakakausap at nakakasalamuha sa bawat araw bilang paraan upang mapadali ang isasagawang 'Contact Tracing' kung kakailanganin. Sa usapin naman ng Libreng Sakay para sa mga frontliners at ng Bagsakan ng Gulay sila ay kailangang magsagot ng 'declaration form'. Pinapayagan ang lahat ng health workers na bumalik sa bayan ng Pagbilao upang maiwasan ang diskriminasyon ng ating mga bayani sa karaniwang panahon. Malinaw ding ipinakita ni Mayor Palicpic ang datos ng mga ipinamahaging ayuda para sa ating mga kababayan na kabilang sa sektoral na grupo at natapos na rin ang distribusyon ng ikatlong-ayuda ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao - ang 10 kilong bigas na may kalakip na isang libong piso. Sa kabilang banda, ayon kay Ms. Emerita B. Madla ang Municipal Social Welfare and Development Office ng Pagbilao ay nasa proseso na ng pamamahagi ng 'cash assistance' mula sa nasyonal na gobyerno ang 'Social Amelioration Program'. Ipinahayag naman ni PMAJ Reden L. Romasanta na ang PNP-Pagbilao ay napabilang sa 'Top 5 Performing Police Station' sa buong lalawigan ng Quezon. Mariing ipinatutupad ang batas ukol sa 'mandatory wearing of facemask', 'physical distancing' at 'illegal gambling'. At base sa 'public announcement' ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, ang lalawigan ng Quezon ay kasama sa 'extended' ang 'Enhanced Community Quarantine' hanggang Mayo 15, 2020 kung saan nabibilang ang bayan ng Pagbilao. Tinitiyak ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic na laging may kahandaan ang bayan ng Pagbilao at malalampasan natin ang hamon ng CoViD-19. Kayang-Kaya Basta't Sama-sama.