The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Executive Legislative Agenda (ELA) Formulation

September 08, 2022

News

Executive Legislative Agenda (ELA) Formulation ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao, Quezon, isinasagawa

Sa unang araw ng  ELA Formulation tinukoy ang iba't ibang isyu na dapat bigyang pansin ng dalawang sangay ng pamahalaan: ang executive at legislative.

Sa panig ng Executive Branch, dito ay inalam ang mga programa, proyekto at mga gawain na tutugon sa pangangailangan sa pamamahala at ng mamamayan.

At sa Legislative Branch, ang paglalapat ng mga kaukulang polisiya at mga ordinansang ipatutupad upang makamit ang kaganapan ng nasabing agenda.

Ang pagdalo ng ilang mga samahang sibiko sa ating bayan kasama ang ating Punong Bayan, Mayor Ate Gigi Portes, Pangalawang Punong Bayan Shierre Ann Portes Palicpic, Miyembro ng Sangguniang Bayan at mga Department Heads ay higit naging daan  upang malaman ang mga angkop na mga programa at proyekto para susunod na tatlong taon.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3LGLcTm