The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Flag Ceremony

September 14, 2020

News

Pinangunahan ng Municipal Assessor's Office ang Flag Raising Ceremony ngayong ika-14 ng Setyembre, 2020.

Bilang bahagi ng ika-120 Taong Anibersaryo ng Serbisyo Sibil sa Pilipinas, isinagawa ngayong ikatlong linggo sa buwan ng Setyembre ang pagkilala at pagbibigay ng Loyalty Award sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan na naglilingkod ng ilang taon na sa ating bayan.

Ipinakilala rin ni Ma'am Isabelita Lucila ang tatlong bagong kawani na maa-assign sa bagong AA Standard Slaughterhouse at ibinalita rin ang magaganap na Selection Board para sa posisyong Municipal Health Officer at Midwife.

Malugod namang ipinakilala ni PMAJ Reden L Romasanta ang Deputy na si Ma'am Nimfa Pascual gayundin ang mga naisakatuparan operasyon ng PNP-Pagbilao nitong mga nakaraang buwan.

Inilahad naman ni Ms. Lavenia mula sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultura ang mga update ukol sa African Swine Fever sa ating bayan.

Sa kabilang banda, CoViD-19 related updates naman ang tinalakay ng kasalukuyang OIC ng Municipal Health Office na si Dra. Mariam Merluza.

Isinalaysay naman ni Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic ang National CleanUp Day, ang mga usapin na may kinalaman sa basura, lagoon at iba pa.

Bilang pinale, nagbigay ng kanyang pagbati ang ating minamahal na Punong Bayan, Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic ng maligayang Araw ng mga Lolo at Lola at pagbati sa ating masisipag na Lingkod Bayan na tumanggap ng pagkilala. Nagbigay rin siya ng mga impormasyon mula sa Mayor's League Meeting na kanyang dinaluhan at iba pang anusyo na mapapanood sa link na ito https://www.facebook.com/watch/?v=600333840644436&extid=jaP2EeRpKHdl3i2A

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

For more photos Click Here