The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Flag Ceremony

September 01, 2020

News

Isinagawa ngayong araw ang Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng Municipal Human Resource and Management Office.

Binigyang kulay ni Ma'am Isabelita Lucila ang mga aktibidades na idadaos ng Pamahalaang Lokal kaugnay ng 120th Anniversary of Philippine Civil Service Commision. Gayundin ang mga naisakatuparan ng Public Employment Services Office simula sa buwan ng Enero hanggang Agosto 2020.

Nagbigay kaalaman naman ni Sir Jan Luke Patrick Go sa isasagawang Census of Population and Housing ng Philippine Statistics Authority. Inaasahan na 15 hanggang 30 minuto ang itatagal ng naturang survey.

Sa kabilang banda, inilahad ni Dra. Mara Merluza, kasalukuyang OIC-Municipal Health Office ang updates at status ng CoViD-19 at mayroong 15 aktibong kaso ang ating bayan.

Tinalakay naman ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic sa kanyang pananalita ang mga sumusunod na usapin at balita:

·         Isinagawang pagdiriwang ng ika-290 Taong Araw ng Pagbilao at ika-335 Taong Araw ng Parokya

·         #DisiplinaMuna

·         Dumating na ang 2000 swab test kits

·         Pagpapaigting sa Trace-Test-Treat

·         66 waiting swab results

·         Pagpapadala ng pagkaing ayuda sa mga isolated

·         Sagot ng Sangguniang Bayan ukol sa detalye ng Liqour Ban

·         Pansamantalang pagsasarado ng paanakan ng ating bayan

·         Dry Run ng Online Application ng Travel Pass

·         Pagrerehistro sa StaySafe.PH

·         Ribbon Cutting of Pagbilao New AA Slaughterhouse

·         COMELEC Voter's Registration


#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

For more photos Click Here