The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Flag Ceremony

September 21, 2020

News

Idinaos ang Flag Raising Ceremony ngayong araw sa pamumuno ng Municipal Planning and Development Coordinator's Office na ginanap sa ating Municipal Park.

Sa pangunguna ni Ma'am isabelita Lucila, Human Resource management Office, ginawaran ng plake ng pagkilala at pasasalamat ang ating mga medical frontliners sa kanilang paglilingkod ng may pagmamahal, malasakit at sakripisyo sa bayan. Pinakilala rin niya ang bagong kawani ng Pamahalaang Lokal na matatalaga sa StaySafe Program at inimbitahan sa isang webinar na magaganap bukas.

Ibinalita naman ni Dra. Mariam Merluza ang update ng COVID-19 sa ating bayan. 20 ang kasalukuyang aktibong kaso, 42 ang tuluyan nang gumaling at 3    mortality na may kabuuang 65 na kumpirmadong kaso.

Nagbigay ng paalala si Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic ukol sa pakikipag-ugnayan ng MOVE at RedCross ay magbibigay ng Psychological Assistance sa ating mga kababayan. Dagdag pa dito ang patuloy na kampanya na may kinalaman sa Disiplina Muna Campaign.

Sa mensahe ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, pinasalamatan niya ang ating mga katuwang mula sa RedCross-Lucena sa pagkakaloob ng 1 drumvatory sa Pamahalaang Lokal. Tinalakay din niya ang mga sumusunod na paksa:

                    ·         CSR Project ng TEC at PEC

                   ·          Pagkuha ng DENR Permit 

                   ·         Online ZUMBAhay

                   ·          African Swine Fever

                   ·         Budget Review

                   ·         mas pinaigting na Trace-Test-Treat

                   ·         at iba pang karagdagang impormasyon

kayang-kaya Basta't Sama-sama!

WE WIN AS ONE!

WE ARE ONE!


#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

For more photos Click Here