The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Flag Raising Ceremony | Civil Wedding | Municipal Development Council | Handloom Weaving

November 02, 2022

News

Idinaos ang Regular Flag Raising Ceremony ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office kung saan nagbigay ng kanyang lingguhang pag-uulat ang ating masipag na Punong Bayan, Mayor Ate Gigi Portes nitong November 2, 2022.

Pagkaraan, ikinasal ni Mayor Ate Gigi ang apat na pares ng magsing-irog upang maging legal ang kanilang pagsasama kung saan hangad niya ang kasiyahan at pagmamahalan ng mga ito.

Sa kabilang banda, nagpulong ang Municipal Development Council via Zoom Application para aprubahan ang MDRRMC Resolution No. 1 at Supplemental AIP and LDIP No. 1 na dinaluhan ng mga Department Heads at Punong Barangays.

Binisita rin ng Punong Bayan ang RIC members na naging benepisyaryo ng Handloom Weaving Program at kinumusta ang mga ito sa kanilang gawain sa Barangay Del Carmen.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3U7UdYe