The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Flag Raising Ceremony | Memorandum of Agreement | Quezon Metropolitan Water District

November 28, 2022

News

Kahapon, nagbigay ang masipag na Punong Bayan Ate Gigi Portes ng kanyang lingguhang pag-uulat sa bayan sa isinagawang Regular Flag Raising Ceremony kung saan naging tampok ang mga aktibidades kaugnay ng pagdiriwang ng Fiesta 2022 noong nakaraang linggo. Kinilala rin ang mga pinuno ng mga tanggapan na nagbigay ng parangal at pagkilala sa ating minamahal na bayan.

Pormal na ring nilagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan at Team Energy Foundation Inc. para sa pamamahagi ng mga kalabaw at seedlings sa ilalim ng Aagapayan Kita Program. Gayundin ang kasunduan sa pagitan ng Bonpen Ambulatory Surgical and Diagnostic Center para sa libreng cataract extraction at iba pang serbisyo.

Nakipagpulong si Mayor Ate Gigi Portes sa Quezon Metropolitan Water District tungkol sa usapin ng tubig sa bayan ng Pagbilao. Dito ay tinalakay din ang posibleng partnership ng lokal na pamahalaan sa kanila para sa posibleng development ng dam sa ating bayan. Ayon kay Ate Gigi, ilalaban niya ang karapatan ng mga Pagbilaowins.

Kasama si Municipal Health Officer, Dr. Riki J. Tolentino, nakipagpulong din ang Punong Bayan sa may-ari ng mga private lying-in sa bayan ng Pagbilao upang paigtingin ang ugnayan ng pamahalaan at pribadong sektor para sa mas efficient and productive service sa ating mga kababayan. Ito ay ginanap sa Municipal Health Center.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3WDwocB